Logo
Public Assistance Coordinating
and Complaints Unit Online System
Back

Feedback Form - TAGALOG

TULUNGAN MO KAMI MAS MAPABUTI ANG AMING PROSESO AT SERBISYO!

Ang Client Satisfaction Measurement (CSM) ay naglalayong masubaybayan ang karanasan ng taumbayan hingil sa kanilang pakikitransaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno. Makatutulong ang iyong kasagutan ukol sa inyong naging karanasan sa katatapos lamang na transaksyon, upang mas mapabuti at lalong mapahusay ang aming serbisyo publiko. Ang personal na impormasyon na inyong ibabahagi ay manatiling kumpidensyal. Maari rin piliin na hindi sagutan ang serbey na ito.


PANUTO: Lagyan ng tsek (✔) ang iyong sagot sa mga sumusunod na katanungan tungkol sa Citizen's Charter (CC). Ito ay isang opisyal na dokumento sa naglalaman ng mga serbisyo sa isang ahensya/opisina ng gobyerno, makikita rito ang mga kinakailangan na dokumento, kauukulang bayarin, at pangkabuuang oras ng pagpoproseso.


PANUTO: Para sa SQD 0-8, lagyan ng (✔) ang hanay na pinakaangkop sa inyong sagot.

Lubos na hindi sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Walang kinikilingan Sumasang-ayon Labis na sumasang-ayon Not
Applicable
SQD0. Nasiyahan ako sa serbisyo na aking natanggap sa napuntahan na tanggapan.
SQD1. Makatwiran ang oras na aking ginugol para sa pagproseso ng aking transaksyon.
SQD2. Ang opisina ay sumusunod sa mga kinakailangang dokumento at mga hakbang batay sa impormasyong ibinigay.
SQD3. Ang mga hakbang batay sa pagproseso, kasama na ang pagbayad ay madali at simple lamang.
SQD4. Mabilis at madali akong nakahanap ng impormasyon tungkol sa aking transaksyon mula sa opisina o website nito.
SQD5. Nagbayad ako ng makatwirang halaga para sa aking transaksyon (Kung ang serbisyo ay ibinigay ng libre, maglagay ng tsek sa hanay na N/A).
SQD6. Pakiramdam ko ay patas ang opisina sa lahat, o "walang palakasan", sa aking transaksyon.
SQD7. Magalang akong tinrato ng mga tauhan, at (kung sakali ako ay humingi ng tulong) alam ko na sila ay handang tumulong sa akin.
SQD8. Nakuha ko ang aking kinakailangan ko mula sa tanggapan ng gobyerno, kung tinanggihan man, ito ay sapat na ipinaliwanag sa akin.